Aral
Lumilipad,
Naglalakbay,
Nalilibang ang aking isipan.
Sunog ng kilay,
Butas ng karayom,
Karayom na kumikitil sa aking kagustuhan.
Puso,
Laban sa isipan,
Ang isip ay hindi pumayag dahil sa buhay ay maralita.
Ngunit ang puso ay sumisigaw na ito’y susi sa kaunlaran.
Puso?
O isipan?
Ano ang kailangang sundin?
Nais itigil.
Ngunit itutuloy,
Nasimulan na at kailangan nang wakasan.
Puso.
Ang tatahakin,
Dahil ito ay magpapabuti rin sa isipan.
Ma-aral ang naisulat mong tula! sakit.info
ReplyDelete